Lunes, Pebrero 9, 2015

Ang Lakas-Paggawa ng Bansang Pilipinas




                 Ang lakas-paggawa o labor force ay tumutukoy sa kabuuang bilang ng manggagawang Pilipino na may edad na 15 taon pataas, kasama na ang may trabaho, walang trabaho, at naghahanap pa lamang ng trabaho. Ang labor force participation rate ay tumutukoy sa ratio ng kabuuang bilang ng mga taong kabilang sa lakas-paggawa.



                 Ang may mga trabaho o employed ay tumutukoy sa lahat ng mga may edad na mula 15 taon pataas.


Ang mga walang trabaho o unemployed ay tumutukoy sa mga pansamantalang natanggal sa trabaho, naghahanap ng trabaho,o nais magtrabaho ngunit hindi makapagtrabaho sapagkat maaaring sila ay may diperensya sa kanilang pangkalusugan na siyang kinakailangang suriin ng mga tumatanggap sa kanila.






Ang mga underemployed naman ay yung mga Pilipinong may mga trabaho nga ngunit hindi natutugunan ng kumpleto ang kanilang oras sa trabaho. Sa kadahilanang mas inuuna nila ang kanilang sariling kagustuhan o dahil wala silang mahanapan ng full-time na trabaho.



Ang employment rate  ay tumutukoy sa bahagdan ng lakas-paggawa na may hanapbuhay.

Unemployment rate naman ang tumutukoy sa proporsiyon ng mga taong ganap na walang trabaho.




Underemployment rate- ito naman ang proporsiyon ng mga manggagagwa sa kabuuan ng lakas-paggawa na hindi nagtatrabaho ng full-time.



                              Nananatiling isang malaking hamon sa pamahalaan ang patuloy na paglaki ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho. Sa paglaki ng populasyon at sa walang tigil na paglaki at pagdami nito mas maraming mamayang Pilipino ang nangnagilangan ng isang trabaho na kung saan ay umaasa ang marami sa ating mga kababayan na magkarron ng isang permanenteng trabaho para lamang matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

                                Sa kahirapang makapaghanap ng trabaho dito sa ating bansa, ang iba ay mas nanaisin na lamang na mangibang-bansa para lamang masuportahan ang pangangaialangan ng kanyang pamilya.Nakikipagsapalaran ang marami sa atin sa ibang bansa sa kadahilanan ng kahirapan na tunay nga namang malaking suliranin ng ating bansa.